BARCELONA, Spain (AP) — Magaaan na pinatalsik ni defending champion Rafael Nadal si Rogerio Dutra Silva ng Brazil 6-1, 6-2 para makausad sa third round ng Barcelona Open nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Umusad din si top-seeded Andy Murray nang mag-withdraw ang karibal na si Bernard Tomic bunsod ng pananakit ng likod.

Naglaro sa unang pagkakataon si Nadal sa bagong bukas na ‘Rafa Nadal’ center court at malamya ang naging simula laban sa 69th-ranked Brazilian, ngunit, nakabawi kalaunan para sa panalo.

“I think I played a solid match. I think it was a comfortable win. I played well, with the right intensity against a player that came in with a lot of victories on clay this year,” sambit ni Nadal.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sunod na makakaharap ng fifth-ranked na si Nadal, galing sa ika-10 titulo sa Monte Carlo Masters, si Kevin Anderson ng South Africa.

Plano ng top-ranked na si Murray na hindi maglaro sa Barcelona Open, ngunit maaga siyang napatalsik sa Monte Carlo ni Albert Ramos-Vinolas.

Makakaharap niya si 40th-ranked Feliciano Lopez ng Spain, nagwagi kay Albert Montanes 6-2, 6-2.

Nanatili rin buhay ang kampanya nina fifth-seeded David Goffin ng Belgium matapos magwagi kay Nikoloz Basilashvili 7-5, 6-0, habang umusad ang qualifier na si Hyeon Chung ng South Korea kontra 12th-seeded Philipp Kohlschreiber ng Germany 6-3, 6-4.