Katakut-takot na saksak sa katawan ang iniregalo ng isang binatilyo sa isang 15-anyos na lalaki na nagalit sa kanya nang mabugahan ng usok ng sigarilyo sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa Jose Reyes Memorial Medical Center nagdiwang ng kanyang kaarawan si Jazzy Lagroza, ng 314 Simoun Street, Tondo, makaraang saksakin ng apat na beses ni Christian Banda, 18, ng Simoun Extension, Tondo.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ronaldo Delos Arcos, ng Manila Police District (MPD)-Station 1, na isinumite kay Police Supt. Robert Domingo, dakong 4:20 ng madaling araw nangyari ang pananaksak sa Lacson St., na sakop ng Barangay 109.

Ayon sa saksing si Gerald Crisostomo, nagdiriwang ng kaarawan ang biktima at nagtungo sa naturang lugar upang imbitahin ang kanyang mga kaibigan sa kaunting salu-salo.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Gayunman, habang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan ay nabugahan umano ni Lagroza ng usok ng sigarilyo si Banda.

Labis umanong nairita si Banda hanggang sa sila’y nagtalo ni Lagroza at bumunot ng patalim ang una at pinagsasaksak ang huli. (Mary Ann Santiago)