CONSTANTA, Romania (AP) — Pinatalsik sa laro si Romania Fed Cup captain Ilie Nastase sa playoff duel laban sa Britain bunsod nang pang-aabuso sa player at umpire.

Binastos din ng 70-anyos na si Nastase ang British journalist sa Constanta, matapos nitong isulat ang naging pahayag niya sa pagbubuntis ni Serena Williams.

Iginiit ni International Tennis Federation president David Haggerty na ang aksiyon ni Nastase ay “unacceptable behaviour.”

“No player, official, member of the media or fan should have to endure any kind of abuse,” pahayag ni Haggerty. “and Mr. Nastase will rightly play no further part in this tie.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagwala si Nastae habang tangan ni Britain’s Johanna Konta ang 6-2, 1-2 bentahe laban kay Sorana Cirstea.

Binawi sa kanya ang accreditation at inalis siya sa listahan ng

Binansagang ‘Nasty’ sa kainitan ng kanyang career, nagwagi siya ng dalawang Grand Slam singles titles at world No. 1 sa listahan. Nagretiro siya bilang player noong 1985 at naisama sa tennis hall-of-fame noong 1991.