STO. TOMAS, Batangas - Patay ang isang kasambahay matapos siyang mabundol ng isang Mitsubishi Strada pick-up habang tumatawid sa highway ng Sto. Tomas, Batangas.

Dead on arrival sa Laurel Memorial District Hospital sa Tanauan City si Sabayan Daya, 38, tubong Davao Del Sur, at residente ng Barangay San Pablo, Sto. Tomas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:10 ng umaga at tumatawid si Daya nang mabundol ng pick-up (TQX-397) na minamaneho ni Ronnie Malicsi, 40 anyos. (Lyka Manalo)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae