URDANETA CITY, Pangasinan – Isang mag-asawang negosyante at anim na iba pa ang pinagdadampot sa isang hinihinalang drug den sa Arcangel Street sa Barangay Poblacion sa Urdaneta City, danitong Martes.

Bukod sa mag-asawang James Javier, 48; at Arcelli Javier, 41, kapwa taga-Bgy. San Ramon, Manaoag, nadakip din ng awtoridad bandang 7:00 ng gabi sina Widmark Callanta, 37, taga-Bgy. San Vicente, Sta. Maria; Jocelyn Caballero, 38, caterer, ng Bgy. Banaoang; Minie Santos, 41, ng Bgy. San Ramon, Manaoag; Rocky Repangco, 23 ng Pozorrubio; Armand Javier, 50, barangay member; at Caloy Santos, 36, parehong taga-Manaoag, Pangasinan.

Ayon kay Supt. Neil Miro, hepe ng Urdaneta City Police, nakuha mula sa mga suspek ang siyam na plastic sachet na may hinihinalang shabu, dalawang plastic sachet na may latak ng sinasabing shabu, limang bala ng .45 caliber pistol, at drug paraphernalia. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog