TINALO ni President Rodrigo Roa Duterte bilang “world’s most influential person” ng Time magazine sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, US Pres. Donald Trump, Russian Pres. Vladimir Putin, Chinese Pres. Xi Jinping at maging sina Microsoft’s Bill Gates at Facebook’s Mark Zuckerberg. Hindi binanggit ng Time kung ang pagpili sa kanya ay isang “positive influence.”

Noon, pumili rin ang Time magazine ng “Person of the Year”, na nakaapekto sa mga pangyayari sa mundo “for better or for worse.” Kabilang sa pinili ng Time noon ay sina Osama bin Laden at Adolf Hitler. Umakit ng pandaigdigang atensiyon si Mano Digong bunsod ng libu-libong pagkamatay ng pinaghihinalaang drug pushers at users kaugnay ng kanyang giyera sa illegal drugs.

Natuwa ang Malacañang sa pagkakapili kay PDu30 ng Time readers, at sinabing ito ay bunga ng paghanga ng mga Pilipino at mga dayuhan sa kanyang national agenda, gaya ng pagbibigay-prayoridad sa pambansang interes, lalo na sa pangangailangan ng mahihirap at ordinaryong tao.

Ang pagsasaka ay may natatanging “pintig at halina” sa aking puso at isip sapagkat sa buong buhay ko, ang pagsasaka ang ikinabuhay ng aking ama at ina na kapwa mga anak din ng mga magsasaka. May katwiran si Dept. of Agriculture Sec. Emmanuel “Manny” Piñol na bantaan ang mga rice trader na kakasuhan sila ng economic sabotage kapag napatunayang nag-iimbak (hoarding) ng bigas o palay para tumabo ng limpak-limpak na salapi sa kapanganyayaan ng maliliit na magsasaka at mamamayan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Binalaan niya ang mga negosyante ng bigas na lumilikha ng artificial rice shortage. Iuutos niya ang pagbubukas ng kanilang mga bodega upang tingnan kung puno ng bigas o palay ang mga ito na kanilang ipagbibili kapag may kakulangan sa supply ng bigas. Nag-isyu si Piñol ng warning laban sa rice traders kasunod ng mga ulat na baka magkaroon ng rice shortage kapag hindi pumayag si Mano Digong na umangkat ng bigas. May hinalang ang pinalulutang na rice shortage ay gawa ng rice traders.

Ganito ang banta ni Sec. Manny, isang ex-journalist at dating sports writer sa Manila Bulletin/Tempo noon: “Kapag nahalata ko na may tangka ang rice traders na lumikha ng rice shortage, irerekomenda ko sa Pangulo ang pagbuo ng isang Task Force na magbubukas at mag-iinspeksiyon sa kanilang mga bodega.” Nilinaw niya sa pagdinig sa Senado na hindi kontra ang DA sa rice importation dahil ang bansa ay may kakulangan pang 500,000-800,000 metric tons (MT) ng bigas kada taon kahit may rice harvest na 4.14 MT. Huwag lang itong isabay sa panahon ng anihan upang mabili sa magandang presyo ng ani ng mga magsasaka.

Sinabi niya sa Pangulo na hindi dapat itaon ang importasyon ng bigas sa anihan dahil magpapababa ito sa presyo ng palay at magpapahina sa kita ng magsasaka. By the way, pinagbibitiw ni columnist Ramon Tulfo sina Defense Sec. Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Jr. dahil sa “poor intelligence”. Nabigo raw sila na ma-detect ang pagpasok at pagsalakay ng Abu Sayyaf Group sa Inabanga, Bohol. Nagkapagtataka raw na hindi nalaman ng AFP at ng National Security gayong meron naman silang intelligence units para rito.

Abangan na lang natin kung diringgin ni PDu30 ang mungkahing ito ni Tulfo na isa sa malapit niyang kaibigan.

Iminungkahi rin niya na sibakin ng Presidente ang tatlong undersecretary ng Dept. of Interior and Local Gov’t. na nakaaway ni ex-DILG Sec. Mike Sueno. (Bert de Guzman)