INAASAHANG manganganak ngayong taon si Serena Williams, kinumpirma ng spokesperson niya nitong Miyerkules, ilang oras makaraang magbigay pahiwatig ang tennis player sa kanyang Snapchat post.

”I’m happy to confirm Serena is expecting a baby this Fall,” saad ng Los Angeles-based publicist na si Kelly Bush Novak sa isang pahayag na ipinadala sa AFP.

Bagamat hindi makapaglalaro ngayong taon si Williams, ”she looks forward to returning in 2018,” ani Bush Novak.

Agad na kumalat ang Snapchat post ni Williams sa US media na naka-swimsuit siya at kita ang kanyang baby bump.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Ngunit agad na natanggal ang post, na mas nakadagdag ng misteryo sa post ni Williams.

”The GOAT herself @serenawilliams took to Snapchat to announce she’s 20 weeks pregnant! Congratulations Serena!” tweet ng US Tennis

Association, organizers ng US Open kung saan nanalo si Williams ng anim na beses, gamit ang acronym para sa ”Greatest Of All Time”.

Gayunman, binura rin agad ng Women’s Tennis Association ang congratulatory tweet.

Ilang oras din ang nakalipas bago sila nakapag-tweet ng: ”It’s official! @SerenaWilliams and @AlexisOhanian are expecting a baby this fall.” (AFP)