James Harden

Warriors, Rockets at Wizards, umusad sa 2-0.

HOUSTON (AP) — Sa iyo ang numero, sa amin ang panalo.

Mistulang ito ang mensahe ni James Harden at ng Houston Rockets nang isantabi ang matikas na triple-double ni Russell Westbrook sa makapigil-hiningang 115-111 panalo ng Rockets kontra sa Oklahoma City Thunder nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) para sa 2-0 bentahe ng kanilang best-of-seven Western Conference first round playoff.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hataw si Westbrook, kandidato para sa MVP award, sa natipang 51 puntos, 13 assist at 10 rebound para sa ikaanim na career playoff triple-double. Tangan ng Thunder guard ang NBA record na 42 triple double sa regular season.

Ngunit, nalimitahan siya sa 4-for-18 sa fourth quarter, sapat para makahabol ang Rockets sa double digit na bentaha para maagaw ang momentum at ang panalo.

Gaganapin ang Game 3 sa Biyernes (Sabado sa Manila) sa Oklahoma City.

Tabla ang iskor bago rumatsada ang Houston ng 10-0 run, tampok ang three-pointer nina James Harden, na kumana gn 35 puntos, Patrick Beverly at Eric Gordon.

WARRIORS 110, TRAIL BLAZERS 81

Sa Oakland, California, nalimitahan si Stephen Curry sa 19 puntos, ngunit kumana ang bench player, sa pangunguna ni JaVale McGee na tumipa ng 15 puntos para sandigan ang Golden State Warriors sa dominantenf panalo para sa 2-0 bentahe sa kanilang playoff series.

Hindi nakalaro si Warriors star Kevin Durant dulot ng injury sa kaliwang pige, ngunit walang dapat ipagamba ang ‘Dub Nation’ sa impresibong laro ni McGee, gayundin sa consistent play ni Draymond Green sa naiskor na 12 rebound, 10 assist, tatlong blocked at anim na puntos.

Nalimitahan si Curry sa 6-for-18 at may anim na assist at anim na rebound. Nag-ambag si Klay Thompson ng 16 puntos.

Nanguna sa Portland sina CJ McCollum at Damian Lillard na nagtipon ng pinagsamang 75 puntos.

WIZARDS 109, HAWKS 101

Sa Washington, hindi rin nakaporma ang Atlanta Hawks sa Wizards sapat para masungkit ng grupo ni John Wall ang 2-0 bentahe sa kanilang Eastern Conference playoff.

Naghiyawan ng MVP, MVP! ang crowd sa kahanga-hangang laro ni Walls na nagsalansan ng 32 puntos at siyam na assist, habang kumubra si Bradley Bealng 31 puntos para sa isa pang dominanteng laro kontra sa Hawks.

Inalat naman sina Markieff Morris at Otto Porter Jr., ngunit sapat ang lakas ng Wizards para mabuo ang kumpiyansa tungo sa Game 3 ng serye na gaganapin sa Atlanta sa Sabado (Linggo sa Manila).

Nanguna si Paul Millsap sa Hawks na may 27 puntos at 10 rebound, habang humataw si Dennis Schroder ng 23 puntos. Hindi nakaporma si Dwight Howard na nakahugot lang ng pitong rebound.