MAY nag-viral na pictures sa Internet sina Angel Locsin at Neil Arce at ang sabi, magkasama ang dalawa with their friends nitong nakaraang Holy Week.

Hindi sinabi noong una kung saan nagpunta ang grupo nila, pero kalaunan, may netizens nang nagsasabi na sa Hong Kong ang kuhang photo sa kanila.

Marami ang natuwang fans ni Angel kung sakali ngang may romantic something sila ni Neil dahil ang ibig sabihin, nakapag-move on na ang aktres. Kaya lang, may nagsabi naman na matagal nang magkaibigan sina Angel at Neil at huwag munang pangunahan kung ano ang mangyayari sa kanila in the future.

Parehong loveless ang latest couple na pini-pair sa social media, dahil kung si Angel ay matagal nang tapos ang relasyon kay Luis Manzano, si Neil naman ay break na rin kay Bela Padilla.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sayang pala at hindi namin nakausap si Neil sa presscon ng Luck At First Sight na co-venture ng N2 Productions niya at ng Joyce Bernal Production for Viva Films. Napansin kasi ng press people na hindi mapakali si Neil lalo na nang matanong si Bela tungkol sa break-up nila, palakad-lakad ito hanggang umalis sa venue ng presscon.

Anyway, showing sa May 3 ang Luck At First Sight sa direction ni Dan Villegas. Bida rito sina Bela at Jericho Rosales kasama sina Kim Molina at Cholo Barretto. (NITZ MIRALLES)