Iginiit ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtanggi sa paulit-ulit na napapaulat na mahigit isang libo o daan-daang immigration officer (IO) ng kawanihan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nagsipagbitiw sa serbisyo o nagbakasyon dahil sa hindi pagbabayad ng overtime pay ng mga ito.

“So far, only 36 immigration officers have resigned since the start of the year and only a few have gone on leave for various reasons,” ani BI Commissioner Jaime Morente, idinagdag na bumalik na sa normal ang pila ng mga pasahero sa NAIA.

Sinabi pa ni Morente na karamihan sa mga IO sa NAIA ay pumapasok sa trabaho, binanggit ang ulat mula sa port operations na ang arawang attendance ng mga airport personnel ay nasa 95 porsiyento.

Aniya, tiwala siya na ang isang solusyon upang matugunan ang suliranin ng mga kawani ng BI ay may kaugnayan sa dagdag-sahod ng mga ito, na ipinarating na niya sa tanggapan ni Pangulong Duterte. (Mina Navarro)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho