KALIBO, Aklan – Isang hinihinalang pekeng intelligence officer ang inaresto ng awtoridad matapos mahuling nagbebenta ng mga pekeng military intelligence identification card.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Sammy Ocate, tubong Negros Occidental, na nabawian ng ilang pekeng ID at isang bag na may pellet gun.

Ayon kay Lt. Colonel Antonio Tumnog, ng Philippine Army, ibinebenta ni Ocate ang mga pekeng ID ng P300 bawat isa, at marami sa mga umano’y nabiktima nito ay taga-Boracay Island sa Malay.

Ang mga nasabing ID ay ginagamit para sa permit to carry firearms at walang expiration date, gayung ang tunay na ID ay tatlong buwan lang ang validity.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nanindigan naman si Ocate na lehitimo siyang intelligence agent ng militar. (Jun Aguirre)