Ipinasa ng House subcommittee on judicial reforms ng House justice committee ang mga panukalang nagkakaloob ng tax-exempt hazard pay para sa mga hukom sa mga Regional Trial Court.

Ang hazard pay ay katumbas ng 25% ng kanilang buwanang suweldo bunsod ng malaking panganib na kinakaharap ng mga hukom sa kanilang trabaho.

Pinagtibay ng subcommittee ni Leyte Rep. Vicente S.E. Veloso ang mga panukala sa House Bills 1551 at 3767 nina Quezon City Rep. Winston Castelo at ComVal Rep. Ruwel Peter Gonzaga. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter