Nasakote ng pulisya at ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 12 ang apat na umano’y drug pusher sa pagsalakay sa sinasabing drug den sa Tacurong City, Sultan Kudarat, kahapon.

Nakatakas ang target ng operasyon na si Mubpon Mamalangcas, alyas “Blackman”, na sinasabing may-ari ng drug den.

Kinumpirma ni PDEA-Region 12 Director Cesar Gil Castro ang pagkakadakip sa iba pang suspek na sina Sahid Mangindalat, 26, driver; Samer Pamaloy, 20, magsasaka, kapwa ng Barangay Griño, Tacurong; Anton Damao, 18, ng Midsayap, North Cotabato; at Nasrudin Omar, 20, ng Cotabato City.

Ayon kay Castro, nakuha sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P187,500 at drug paraphernalia. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog