Iginiit ni Senator Panfilo Lacson na may mali sa patakaran ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa pangongolekta nito ng pera sa nagsampa at sinampahan ng election protest.

Ang PET ang nagsasagawa ng mga pagdining sa mga election protest sa pagka-Presidente at Bise Presidente.

“Why would a winner harassed with poll protest or the cheated be made to pay huge sums of money to be legally declared winner?” ayon kay Lacson, iginiit na malinaw na may mali sa nasabing sistema ng PET.

Ayon sa resolusyon ng PET, gagamitin ang pera sa pagbibiyahe sa mga balota upang muling mabilang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa protesta ni dating Sen. FerdinandMarcos, Jr., iginiit niyang dapat na suriin ang resulta mula sa 39,221 clustered precincts na ayon sa Commission on Elections ay may kabuuang 132,446 precincts, habang kinuwestiyon naman ni Vice President Leni Robredo ang resulta mula sa 8,042 clustered precincts o 31,278 precincts.

Naghain ng tag-P200,000 ang magkabilang panig para sa inisyal na deposito at ibinawas na rin ito sa babayaran nilang P500 bawat presinto.

Sa taya ng PET, aabot sa P66,023,000 ang dapat bayaran ni Marcos, habang P15,439,000 naman ang kay Robredo. - Leonel M. Abasola