Cast of Meant To Be copy

KAHIT marami na ang nag-uwian sa mga probinsiya, dinumog pa rin ng fans ang mall show ng Meant To Be sa Market Market last Sunday. Kumpleto ang buong cast maliban kay Sheryl Cruz na hindi dumating, pero naroon sina Manilyn Reynes, Keempee de Leon, Tina Paner, Sef Cadayona, Stephanie Sol at Mika dela Cruz.

Dahil pare-parehong mahuhusay kumanta, nagmistulang mini-concert ang napanood ng napakaraming audience.

Of course, ang limang bida ng primetime romantic comedy series ang nagpasaya nang husto sa fans na ang iba ay nag-iyakan pa dahil first time na mall show nila iyon sa Metro Manila. Kadalasan ay sa probinsiya o out-of-town ang shows nina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Aliw na aliw kay Addy ang crowd nang kumanta siya ng Mr. Suave. Nang magpakita si Jak ng kanyang 8-pack abs, sa request ng fans, napakalakas ng sigawan. Pa-sweet naman si Ivan pero kita mong si Ken ang may pinakamaraming fans.

Feeling long hair si Barbie nang sama-sama na silang mag-perform. Kanya-kanya kasing pasimple ang apat na guys sa kanya.

Sino nga kaya sa apat ang makakatuluyan ni Billie (Barbie) sa ending ng rom-com na in-announce nilang muling na-extend dahil kinagigiliwan ng mga bagets at pati na ng netizens na may edad na.

Napapanood ang Meant To Be gabi-gabi pagkatapos ng Destined To Be Yours sa GMA-7.