pba copy

INAASAHAN na mapapatawan ng mabigat na multa at parusa ang mga personalidad na sangkot sa nangyaring kaguluhan sa nakaraang laban ng Phoenix at Rain or Shine nitong Miyerkules ng gabi sa PBA Commissioner Cup sa Araneta Coliseum.

Naging mataas ang emosyon pagkatapos ng naitalang came-from-behind win ng Elasto Painters kung saan nagkainitan sina ROS import Shawn Taggart at Fuel Masters assistant coach Nic Belasco.

Nahuli pa ng camera ang insidente ilang segundo pa lamang ang nakakalipas matapos ang 96-94 na panalo ng Elasto Painters kung saan itinulak ni Velasco ang mukha ni Taggart palayo sa kanya habang papalabas ang dalawang koponan sa dugout.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Gumanti ang ROS import at sinapak nito si Belasco at bago pa tuluyang magpang-abot ay naawat na sila sa mga namagitan.

Nauna rito, sinasabing mainit na ang trash talking habang naglalaro ang dalawang koponan.

Kabilang sa unang nagpakalma kay Belasco ay si PBA commissioner Chito Narvasa.

Inaasahangg papatawan ng multa at parusa ang dalawa ngunit maibababa ang nasabing kaparusahan sa darating pang Lunes pagkatapos ng Holy Week break. (Marivic Awitan)