SANAA (AFP) – Hinatulan ng bitay ng isang korte sa Yemen ang isang beteranong mamamahayag dahil sa paniniktik para sa katabing Saudi Arabia, sinabi ng press union at ng rebel media kahapon.

Si Yahya al-Jubaihi, 61, ay hinatulan sa pakikipag-ugnayan sa ‘’with a foreign state’’ at pagbibigay sa mga Saudi diplomat sa Sanaa ng ‘’reports that posed harm to Yemen militarily, politically and economically,’’ iniulat ng Saba news agency. Ayon sa mga prosecutor, tumatanggap si Jubaihi ng buwanang sahod na 4,500 Saudi riyal mula sa Riyadh simula 2010, apat na taon bago masakop ng mga rebelde ang kabisera, dagdag ng Saba.

Kinondena ng Yemeni press union ang ‘’arbitrary’’ sentence, at inakusahan ang mga rebelde ng ‘’targeting the freedom of the press.’’

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'