RIZAL, Nueva Ecija – Isang pulis ang napatay ng hostage-taker nitong Sabado ng gabi sa Barangay Del Pilar sa Rizal, Nueva Ecija.

Kinilala ni Senior Supt. Antonio C. Yarra, Nueva Ecija Police Provincial Office director, ang napatay na si PO3 Hernando Largo y Vargas, 47, may asawa, nakatalaga sa Rizal Police, at residente ng Bgy. West Poblacion, Pantabangan.

Ayon kay Yarra, bandang 8:25 ng gabi nang rumesponde si Largo sa nangyayaring hostage-taking incident matapos makarinig ng putok ng baril habang binibisita ang isang kaibigan sa Purok Kamagong, Bgy. Del Pilar.

Natunton ni Largo na nanggaling ang putok sa bahay ni Dely Piedad, 67, kaya maingat siyang pumasok sa backdoor ng bahay kung saan bihag ni Roel Jacob, 37, truck driver, ng Bgy. Aglipay, ang kaanak ng asawa nito at armado ng isang revolver.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Gayunman, unang naispatan ni Jacob ang pulis at kaagad itong binaril sa mukha bago tumakas. (Light A. Nolasco)