TINAPOS na ni Mariah Carey ang relasyon nila ni Bryan Tanaka.

Tinuldukan na ng I Don’t singer ang kaugnayan niya sa 33-anyos na backup dancer, ayon sa mga ulat. Hindi pa tumutugon ang kinatawan ng songstress sa kahilingan ng Yahoo Celebrity na magkomento tungkol sa isyu.

Ano nga ba ang nangyari – bukod sa katotohanang ito ay rebound romance lamang? Ayon sa TMZ, hindi na kinaya ni Mariah ang pagiging seloso ni Bryan at pakikialam nito sa pera ng mang-aawit.

Hindi rin ikinatuwa ni Bryan ang pagiging malapit ni Mariah sa dating asawa niya na si Nick Cannon. Ikinagalit nito ang pagsasama nila at ng kanilang kambal na anak sa Kids’ Choice Awards nitong nakaraang buwan. Ayon sa website ng TMZ, naramdaman ni Bryan na siya ay hindi nairespeto sa nangyaring ito. Tungkol naman sa isyu sa pera, hindi na rin kinaya ni Mariah ang pagbabayad niya sa mga mamahaling damit ni Bryan mula sa Gucci at Balmain.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isinama ni Mariah si Bryan sa kanyang birthday trip sa Cabo noong nakaraang buwan, ngunit hindi na sila nagsama simula noon.

Nagsimula ang relasyon ni Mariah sa batang dancer nang makipaghiwalay siya kay James Packer. Lahat ng palabas nina Mariah at James na ipapalabas sa kanyang reality show na Mariah’s World ay pinalitan ng bagong footage nina Mariah at Bryan. At tila pinagplanuhan ang lahat ng ito, at sinabi pa ni Nick sa isang interview na ito ay “fake” at isang “soap opera.” (Yahoo Celebrity)