CABATUAN, Isabela - Isang dating tauhan ng Philippine Army at isang binatilyo ang inaresto matapos maaktuhang bumabatak ng shabu sa Barangay Magdalena sa Cabatuan, Isabela.

Sa report na tinanggap mula kay Supt. Manuel Bringas, hepe ng Provincial Investigation and Detective Management Branch ng Isabela Police Provincial Office, nakilala ang mga nadakip na si Jodie Cariaga, 30, dating Army, at residente ng Bgy. Magdalena; at isang 17-anyos na lalaking taga-Bgy. Saranay sa Cabatuan.

Dakong 9:00 ng gabi nitong Linggo nang respodehan ng pulisya ang sumbong na may nagpa-pot session sa lugar hanggang sa maaresto ang dalawa at makumpiskahan ng plastic sachet na may hinihinalang shabu, isang plastic ng dried marijuana leaves, at drug paraphernalia. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga