BAMBAN, Tarlac – Pinaniniwalaang mga miyembro ng Bolt Cutter Gang ang nanloob sa isang supermarket sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac.

Sinabi ni PO3 Febmier Azura na aabot sa mahigit P250,000 halaga ng pera at iba pang gamit ang natangay ng tatlong hindi nakilalang lalaki mula sa ABC Supermart dakong 1:47 ng umaga nitong Miyerkules.

Winasak din ng mga suspek ang computer parts at accessories ng establisimyento na nagkakahalaga ng mahigit P106,350, pinagsisira ang siyam na cash register sa unang palapag ng gusali, at tumangay din ng grocery items at iba pang mahahalagang gamit. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog