BINUO ng Founders of the Beach Volleyball Republic ang Perlas Lady Spikers para sumabak sa Premier Volleyball League Reinforced Conference simula sa Abril 30 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

“We’ve decided to call our team Perlas Lady Spikers,” sambit ni Charo Soriano, co-founder ng BVR.

Makakasama ni Soriano sa Perlas ang mga dating kasangga sa Ateneo na sina Bea Tan, Amy Ahomiro at Dzi Gervacio. Si Jerry Yee ng University of the Philippines ang coach.

Napabalitang nais kunin ng Perlas si Brazilian Rupia bilang reinforcement sa season-opening conference.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re hoping to be competitive,” sambit ni Soriano.

Ipinahayag naman ng Bali Pure, dating nilaruan ni Soriano, ang pagkakatalaga kay multi-titled coach Roger Gorayeb.

“Yes, I will coach Bali Pure,” pahayag ni Gorayeb, mentor din ng San Sebastian sa NCAA at National U sa UAAP.

Aniya, kinakausap na niya sina Grethcel Soltones at Alyssa Eroa mula sa San Sebastian, gayundin sina Jorelle Singh, Aiko Urdas, Raisa Sato at Jasmine Nabor mula sa National U at PLDT libero Lizlee Ann Pantone para sumama sa koponan.

“It’s not yet final but I’m looking at tapping them this coming conference,” sambit ni Gorayeb.

Kabilang sa mga koponan na sasabak sa liga ang paboritong Pocari Sweat, Air Force, Iriga City ni Nes Pamilar at Creamline na tatampukan ni UAAP star Alyssa Valdez at coach Tai Bundit.