KUMALAT last Thursday ang balitang balik-Kapuso na si Jake Cuenca at magiging part ng cast ng Meant To Be ng GMA-7.

Ang sabi, isa sa original cast ng rom-com series ang nag-post sa Instagram story na makakasama na nila sa show si Jake.

May fan si Jake na naglakas-loob na tanungin siya tungkol sa kumalat na isyu, at ang sagot daw ng aktor ay, “What you’re talking about? I have no idea.”

May tinanong kaming bossing ng Kapuso Network tungkol sa balitang kumalat at nagulat ito. Wala raw siyang nababalitaan na ganoon.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang alam namin at ng iba pang reporters, may ginagawang teleserye si Jake sa ABS-CBN at may kontrata pa roon. Saka kung lilipat o babalik man siya sa GMA-7, hindi naman siguro sa Meant To Be na hindi siya ang pinakabida kundi ang apat na leading men ni Barbie Forteza.

Magtatanong pa rin kami sa ibang konektado sa Meant To Be kung may katotohahan nga ba ang tsika.

Samantala, bukas (Sunday, April 9), at 5 PM, may mall show uli ang cast ng Meant To Be sa Market! Market! Mas masaya ito dahil makakasama ng mga bidang sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Addy Raj, Ivan Dorschner at Ken Chan sina Manilyn Reynes, Mika dela Cruz, Keempee de Leon, Sef Cadayona, Stephanie Sol, Tes Bomb at Tina Paner. (NITZ MIRALLES)