Upang maiwasan ang heat stroke ngayon panahon ng tag-init, ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang apat na oras na “heat stroke break” para sa mga nagmamando ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, apat na oras na lamang magtatrabaho, mula sa dating walong oras, ang mga traffic enforcer ngayong summer season.

“The break shall be on a staggered basis from 10:00 am up to 2:00 pm, which is considered the hottest part of the day,” ani Orbos.

Aniya, layunin nitong proteksiyunan ang mga kawani ng MMDA laban sa sakit, partikular na sa heat stroke.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ilalim ng heat stroke policy, pinapayagang umalis ang mga enforcer sa kani-kanilang designated post pagkatapos ng apat na oras na duty. (Bella Gamotea)