SARIAYA, Quezon – Binaril at napatay ng hindi nakilalang suspek ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) at ex-officio member ng Sangguniang Bayan matapos itong magtalumpati sa moving up ceremony ng Castañas National High School sa Barangay Castañas, Sariaya, Quezon, kahapon ng umaga.

Si Victorio G. Luna, chairman ng Bgy. Castañas at malapit na kaalyado ni dating Mayor Rosauro V. Masilang, ay binaril ng suspek sa noo habang pababa sa entablado matapos magtalumpati, bandang 12:30 ng tanghali kahapon.

Wala namang maisip na motibo ang mga residente laban kay Luna dahi, matulungin ito at malapit sa kanyang constituents. (Danny J. Estacio)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?