HONOLULU (AP) – Sumumpang guilty sa manslaughter at pagharang sa prosekusyon ang ama ng isang batang lalaki sa Hawaii na 20 taon nang nawawala.

Haharap si Peter Kema Sr. sa murder trial ngayong buwan. Pumayag siya sa plea deal na nag-oobliga sa kanyang ituro ang bangkay ng bata, at parusang 20-taong pagkakakulong.

Ang asawa niyang si Jaylin Kema ay sumumpang guilty sa manslaughter noong nakaraang taon. Sinabi nito sa korte na nabigo siyang protektahan ang anim na taong gulang nilang anak na si Peter dahil natakot siya sa kanyang asawa.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na