STA. ROSA, Nueva Ecija - Tatlong tama ng baril ang tumapos sa buhay ng isang 57-anyos na mananari sa Sta. Rosa Cockpit Arena makaraan siyang ratratin ng motorcycle-riding assasins sa Sitio Angeles, Barangay Soledad sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, nitong Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Sta. Rosa Police sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt.

Antonio C. Yarra, kinilala ang biktimang si Rolando Elondo y Cabral, may asawa, ng Sitio Batangas sa Bgy. Soledad, Sta. Rosa.

Dakong 5:00 ng hapon nitong Lunes at pauwi na ang biktima galing sa sabungan sakay sa motorsiklo nang sundan ng dalawang suspek hanggang pagbabarilin. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog