TARGET ng Far Eastern University na makabalik sa Final Four sa pakikipagtuos sa kulelat na Adamson University ngayon sa UAAP Season 79 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Sapat na ang draw para sa Tamaraws para pormal na masungkit ang No.3 spot sa semifinals. Nakatakda ang laro ganap na 2:00 ng hapon.

Haharapin naman ng league-leading Ateneo, ang University of the East sa 4:00 ng hapon.

Tangan ng FEU ang 19 puntos, tatlong puntos ang bentahe sa National University, napipintong masibak din sa liga.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Naunsiyami ang biyahe ng Tamaraws sa Final Four slot nang matalo sa UE Red Warriors, 1-2 nitong Sabado.