OAKLAND, California (AP) — Handa na ang pagbabalik-aksiyon ni Kevin Durant. Ngunit, hangga’t wala pa ang dating MVP at scoring champion nasa mga kamay ni Stephen Curry ang kapalaran ng Golden State Warriors.

Hataw si Curry sa naiskor na 42 puntos, tampok ang siyam na three-pointer at walong assist para sandigan ang Warriors sa 139-115 dominasyon kontra Washington Wizards para sa ika-11 sunod na panalo.

Naitala naman ni Draymond Green ang ika-19 career triple-double at ikalima ngayong season sa natipang 11 puntos, 13 assist at 12 rebound.

Sa iba pang laro, ginapi ng Cleveland and Indiana, 135-130 (2OT); pinasabog ng Houston ang Phoenix, 123-116; nanaig ang Boston sa New York, 110-94; tinalo ng Charlotte ang Oklahoma City, 113-101; pinataob ng San Antonio ang Utah, 109-103; pinalamig ng Denver ang Miami, 116-113; pinagulong ng Chicago ang New Orleans, 117-110; ginapi ng Toronto ang Philadelphia, 110-105; tinalo ng Dallas ang Milwaukee, 109-105; naisahan ng Los Angeles ang Memphis, 108-103; pinabagsak ng Atlanta ang Brooklyn, 91-82;

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA