Rochelle
Rochelle
ISA sa mga kinaiinisan ngayon, bukod kay Neil Ryan Sese, si Rochelle Pangilinan na gumaganap bilang si Andora sa Encantadia. 

Pero sa halip na katakutan ang bashers, nagpasalamat pa siya.

“Avisala Eshma sa lahat ng nanonood ng Encantadia. Alam kong kayo ay nagagalit ngunit... maraming salamat,” saad niya.

Samantala, takot naman ang naramdaman ni Neil Ryaan nang makatabi sina Ruru Madrid atGlaiza de Castro na gumaganap bilang sina Ybrahim at Pirena na mga magulang nina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kate Valdez) na parehong pinaslang ni Asval.

Feeling ni Niel, pinipersonal ng lahat ang nangyari.

Tsika at Intriga

Kylie kapag tumakbong VP ang erpat na si Sen. Robin: 'Aalis na ako ng Pilipinas!'

Ipinost niya sa Instagram account na nasa awkward moment siya at dapat nang mag-move on ang lahat. 

Pero paano? Hindi nakaka-move on ang lahat sa pagkamatay ng dalawa sa mahahalagang karakter sa Encantadia. At ang karakter niya ang salarin.