Ni ADOR SALUTA

SA grand presscon ng Can’t Help Falling In Lovesa Villa Immaculada restaurant sa Intramuros, kapansin-pansin na nagbulungan muna sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bago sinagot ng aktor ang tanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila.

“Ma’am, very exclusive po kami, eh,” finally sagot ni Daniel sa nakabiting tanong. “Exclusive po kaming dalawa, ma’am. Exclusive po kami sa isa’t isa.”

Sa ambush interview sa dalawa pagkatapos ng Q & A, hiningan ng paliwanag si Daniel sa kanyang earlier statement.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Baka kasi sukang-suka na kayo, eh,” natatawa namang sagot ng bagets. “Sukang-suka na rin kasi ako, eh. Okay na ‘yun. Kasi, baka kapag sinabi ko pa ‘yun, ‘Alam n’yo na,’ nakaka-bad trip nga kung iisipin mo. Kaya ko sinabi ‘yun.”

Follow-up question ng TV Patrol reporter na si Gretchen Fullido, “When you say exclusively dating, ‘yun na ba ‘yung ‘kayo na’ or hindi pa rin kayo na?”

“(Exclusive) sa isa’t isa, so meaning ganu’n,” sagot ni DJ.

“’Kayo na’?” giit ni Gretchen.

At matapang itong sinagot ni Daniel ng, “Yes.” 

At least, inamin na rin nilang ‘sila na’ nga?

Kanya pa ring nilinaw na, “Exclusive ho kami sa isa’t isa, kumbaga, sa personal po naming buhay. Pero siyempre, sa trabaho nating ito, hindi naman puwedeng sabihin na ganu’n lang. Darating tayo sa point na magkakaiba rin.

“Pero sa ngayon, huwag na muna nating pag-usapan, kasi mayroon pa naman kaming bagong pelikula ngayon na magkasama,” sey ng aktor.

Fresh from Palawan (dumating sila ng Manila last Wednesday, a day before the presscon), masaya nilang ikinuwento ang karanasan sa El Nido, Palawan, nang ipagdiwang ni Kathryn ang 21st birthday roon.

Para sa dalawa, ang Palawan trip ang kanilang  “best summer” so far. In-enjoy nila ang kanilang four-day vacation.

“Sobrang nag-enjoy si Kathryn. Sa trip namin na yun, sobrang napakasaya lang, ang sarap. It’s summer lovin’.”

Sabi ni Kathryn, natuklasan niya roon ang ibang Daniel na ginawa ang lahat para maging memorable ang kanilang trip.

“Gumigising siya nang maaga! Ginigising namin siya ng 7 A.M. kasi kailangang gumising nang maaga. Kasi, mas ano nila na kapag mag-i-snorkel ka, dapat ganitong oras,” aniya.

“Kung pupunta ka sa mga lagoon, dapat first thing in the morning, ganu’n ang gagawin mo. So, malaking adventure ito sa amin. Lahat ng gusto kong gawin, nagawa,” sey ni Kathryn.

Ipapalabas ang Can’t Help Falling In Love sa April 15, Black Saturday nationwide.