Ang big stars ng ABS-CBN
Ang big stars ng ABS-CBN

NAGLALAKIHANG bituin, kabilang ang kinakikiligang love teams, ang mananatiling solid Kapamilya matapos pumirma ng kani-kanilang eksklusibong multi-program contracts sa ABS-CBN nitong unang quarter ng 2017.

Patuloy na magpapakilig sa iba’t ibang Kapamilya projects ang mga love teams na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel),Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen), atKim Chiu at Gerald Anderson (KimErald).

Kasama rin sa mga pumirma ng kontrata ang It’s Showtime at Gandang Gabi Vice host na si Vice Ganda, Northern Lights lead actor Piolo Pascual, A Love To Last cast members na sina Bea Alonzo, Enchong Dee, at Julia Barretto, ang Wildflower stars na sina Maja Salvador at Joseph Marco, Julia Montes na may upcoming Kapamilya series na Victims of Love, ang mga host ng Magandang Buhay na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, I Can Do That stars na sina Pokwang at Robi Domingo, isa sa mga bida ng seryeng The Better Half na si Shaina Magdayao, Jessy Mendiola ng Banana Sundae, at sina Erich Gonzales, Sam Milby, Isabelle Daza-Semblat, at Richard Yap.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Mainit din ang pagtanggap ng ABS-CBN sa nagbabalik-Kapamilya na si Ogie Alcasid. Your Face Sounds Familiar Kids ang kasalukuyang proyekto ni Ogie na isa siya sa mga judge. Pumirma rin ng kani-kanilang kontrata sina Bela Padilla at Yassi Pressman. Si Bela ay kasalukuyang nasa primetime series na My Dear Heart, samantalang nasa top-rating primetime show naman na FPJ’s Ang Probinsyano naman si Yassi.