MOCOA (Reuters) - Patay ang 254 katao at daan-daang iba pa ang nasugatan sa mga pagbaha at mudslide sa lungsod ng Mocoa, Colombia nitong madaling araw ng Sabado.
Dahil sa malakas na ulan ay umapaw ang maraming ilog, at itinulak ng agos ang mga latak, bato at iba pang bagay na bumangga sa mga gusali, bahay at kalsada sa kabisera ng timog kanlurang Putumayo province. Nabaon sa putik ang maraming sasakyan at tulirong lumikas ang mga nagimbal na residenteng nakasuot pa ng damit pantulog.
“It was torrential rainstorm, it got really strong between 11 p.m. and 1 a.m.,” sabi ng residenteng si Mario Usale, 42, na naghahanap ng kanyang biyenang lalaki sa ilalim ng mga gumuho.
“My mother-in-law was also missing, but we found her alive two kilometers away. She has head injuries, but she was conscious.”
Lumipad si Colombian President Juan Manuel Santos sa Mocoa, mayroong 345,000 populasyon, para pamahalaan ang mga rescue effort sa labas ng lungsod at kausapin ang mga apektadong pamilya.
“We will do everything possible to help them,” sabi ni Santos matapos kumpirmahin ang bilang ng mga nasawi. “It breaks my heart.”
Ipinahayag ng army na 254 katao ang namatay, 400 ang nasugatan at 200 ang nawawala. Mahigit 1,100 sundalo at pulis ang ipinadala para tumulong sa paghuhukay ng mga tao sa 17 pamayanan.
Sa Twitter, naunang sinabi ni Santos na 193 ang patay.
Ang pinakamalagim na landslide sa Colombia ay nangyari noong 1985 sa Armero, kung saan mahigit 20,000 ang namatay.
“It’s a big area,” sabi ni Mocoa Mayor Jose Antonio Castro, na nawalan ng bahay, sa Caracol radio nitong Sabado. “A big portion of the many houses were just taken by the avalanche.”
Sinabi niya na binalaan nang maaga ang mga tao at marami ang nakaalis ngunit ilang pamayanan at dalawang tulay ang nasira.