Laro sa Lunes

(Filoil Flying V Centre)

(Game 2, Best-of-3 Finals)

4 n.h. -- Cignal-San Beda vs Racal

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

SUMAGITSIT ang opensa ng Cignal-San Beda sa kaagahan ng laro para maitarak ang malaking bentahe tungo sa 93-85 panalo kontra Racal nitong Huwebes sa Game 1 ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup best-of-three title series sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sumandal ang Tile Masters sa matikas na ratsada nina Jason Perkins, Pamboy Raymundo, at Robert Bolick para maisalba ang pagbalikwas ng Hawkeyes sa krusyal na sandali at kunin ang 1-0 bentahe.

Nanguna si Perkins sa Cignal sa naiskor na 28 puntos, walong rebound, at dalawang assist, habang nag-ambag si Raymundo ng 21 puntos. At kumubra si Bolick ng 19 puntos.

“We did a good job with the way we started strong. But a team like Racal is capable of coming back from big deficits,” pahayag ni coach Boyet Fernandez. “Today, it’s really the boys who stepped up and stopped the bleeding for us late in the game.”

Nagtulong sina Perkins at Raymundo para maitala ang pinagsamang 36 puntos sa first half para sa 57-36 bentahe ng Cignal.

Nakatakda ang Game 2 sa Lunes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

“We’re happy to get this one, but we only won one game,” pahayag ni Fernandez, target ang ikapitong PBA D-League title.

“We have to beat Racal again and there’s no enjoyment here. We have to rest and get ready for Game 2.”

Iskor:

CIGNAL 93 – Perkins 28, Raymundo 21, Bolick 19, Adamos 7, Arboleda 7, Oftana 6, Potts 5, Mocon 0, Batino 0, Tongco 0, Villarias 0, Bringas 0.

RACAL 85 – Nambatac 23, Corpuz 15, Onwubere 14, Gabayni 8, Salado 7, Torres 6, Mangahas 5, Dagangon 4, Capacio 2, Cabrera 1, Terso 0, Flores 0, Gabawan 0, Gumaru 0.

Quarters: 26-14, 55-36, 74-59, 93-85. (Marivic Awitan)