MONACO (AP) — Pinatawan ng banned sina Turkish runners Elvan Abeylegesse at Gamze Bulut bunsod nang pagkasabit sa droga na posibleng magbawi sa kanilang Olympic silver medal.
Nagpositibo si Abeylegesse sa banned steroid stanozolol sa isinagawang retest ng kanyang sample sa 2007 world championship. Pinatawan siya ng banned sa loob ng dalawang taon ng IAAF at binura ang kanyang record noong 2007-09.
Nagwagi si Abeylegesse ng Olympic silver medals sa 5,000 at 10,000 meter sa 2008 Beijing Games, gayundin sa 10,000 sa 2007 world championships.
Mapupunta kay American runner Shalane Flanagan ang silver medal sa 10,000,at ang bronze ay ibibigay kay Linet Chepkwemoi Masai ng Kenya. Sa 5,000, si Meseret Defar ng Ethiopia ang tatanggap ng silver at si Sylvia Kibet ng Kenya ang bronze winner.
Ipinahayag naman ng IAAF na ipinataw ang four-year ban kay Bulut bunsod nang violation sa biological passport program.
Binura ang record ni Bulut sa 2011 dahilan para mapunta ang silver medal sa 1,500 sa 2012 London Olympics sa iba.
Tumapos siya sa likod ni Turkish Asli Cakir Alptekin, tulad niya ay banned din sa IAAF.
Napunta kay Maryam Yusuf Jamal ng Bahrain ang gintio at si Tatyana Tomashova ng Russia ang brone winner.