MULA beach volleyball, masusubok ang husay ni Charo Soriano sa indoor court sa pagsabak niya sa bagong koponan na sasalang sa Premier Volleyball League (dating Shakey’s V-League) sa April 30 sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

“Yes, we are forming a new team,” pahayag ni Soriano, dating Ateneo star at naglaro sa Bali Pure sa nakalipas na season.

Sinabi ni Soriano na binubuo na ng management ang koponan, ngunit iginiit na kasama niya sina Dzi Gervacio at Bea Tan ay si University of the Philippines women’s coach Jerry Yee.

“Yes and it will just be for a month,” sambit ni Yee, kasalukuyang sumasabak para sa Final Four spot ng UAAP championship.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I gave my senior players the freedom to choose the team they are playing after the UAAP, its really up to them,” aniya, patungkol sa desisyon ng UP Maroons kung sasama sa kanya sa Premier league.

May kabuuang anim na koponan ang kompirmadong lalahok sa PVL Reinforced Conference na kinabibilangan ng Pocari Sweat, ang defending champion and Open Conference titlist, Creamline ni Alyssa Valdez, Air Force, at Bali Pure.