sunshine at macky copy

KAGAGALING lang sa Boracay ng pamilya ni Sunshine Cruz. Siyempre, kasama rin nila si Macky Mathay, ang dahilan kung bakit kulay rosas ngayon ang kanyang kapaligiran.

Halos hindi nga niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya dahil kay Macky na napagsasabihan niya ng mga personal niyang problema.

“Very positive lang ‘pag nagkakasama kami. Even the kids are really happy. Pero busy siya, so most of the time he visits at home during weekends with the kids also. Kahit wala ako, eh, napapasaya niya ang mga bata,” kuwento ni Sunshine.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kaya ganoon na lang ang pasasalamat niya sa Diyos na ipinadala sa kanya ang isang Macky Mathay na matiyaga at napakabait, hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa mga anak at buong kamag-anakan niya.

“Sa totoo lang, napakatiyaga talaga niya. Kahit taga-South ako at sa Greenhills siya nakatira na talagang alam natin kung gaano katrapik from his place going to my place, but still dumadayo talaga siya,” sey pa ng isa sa mga artista ng lalong gumagandang seryeng Wildflower.

Sa kagaya raw niya na may tatlong anak, hindi niya akalain na makakatagpo pa siya ng kagaya ni Macky.

“Despite having children, meron pa palang masigasig na… alam mo ‘yun, parang araw-araw kang nililigawan at pinagsisilbihan. He is really a blessing to me and my children. Actually they are thoughtful, even ‘yung sariling kids niya,” dugtong pa ni Sunshine.

Kung may mga anak si Sunshine sa dating asawang si Cesar Montano ay may tatlong anak din si Macky sa dating asawa nito. Sa tingin ba ni Sunshine, magkakasundo ang mga anak niya at mga anak ni Macky?

“Okey naman kaming lahat, wala akong nakitang problema. Mahirap lang magyabang... basta so far, so good naman,” tugon ng aktres.

Binanggit din ni Sunshine na madalas ding kasama ng mga anak niya si Diego Loyzaga na kapatid ng mga ito sa ama.

So kumusta naman ang isyu ni Diego sa ama?

“Sa totoo lang, hangga’t maari, eh, ayokong pag-usapan ‘yan. Whatever it is, it’s between them. Mas mabuti siguro na kay Diego manggaling kung ano na ang nangyayari,” matipid na tugon ni Sunshine.

Batid ni Sunshine na wala nang bagong mga pasaring o post si Diego sa social media hinggil sa ama.

“Maybe because he already said his piece. Hindi naman dapat i-prolong ’yung mga ganu’ng bagay,” paliwanag ng aktres.

Samantala, bumalik na ang karakter ni Sunshine sa Wildflower. Tiyak na isa siya sa magpapahirap sa kontrabidang si Aiko Melendez.

“I’m proud that I am a part of that show. For now, buhay na si Camia pero ayokong maging spoiler. Basta abangan na lang nila sa mga susunod na araw kung ano’ng mangyayari sa karakter ko,” bitin pang kuwento ni Sunshine.

(Jimi Escala)