GAPAN CITY, Nueva Ecija - Bumulagta ang isang hinihinalang drug pusher makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad sa Barangay San Nicolas, Gapan City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, kinilala ang napaslang na si John Paul Jacobo Granados, 29, ng Vito Cruz, Pasay City.

Nabatid na dakong 10:16 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng drug enforcement unit na sina PO2 Jerry Baman at PO2 Orlando Guarzon na natunugan umano ng suspek kaya biglang tumakbo at nagpaputok ng baril.

Sa engkuwentro ay napatay ang suspek at nakuhanan ng isang .38 caliber revolver at siyam na plastic sachet ng hinihinalang shabu. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog