MALVAR, Batangas – Nasawi ang isang dalawang taong gulang na lalaki nang mahulog at malunod sa swimming pool habang naglalaro sa gilid nito sa loob ng isang resort sa Malvar, Batangas.

Dead on arrival sa Daniel Mercado Medical Center si Juan Carlos Pionillo, taga-Barangay San Fernando, Malvar.

Ayon sa report ni SPO1 James Vargas, Lunes na nai-report sa pulisya ng amang si Frederick Pionillo, 34, ang insidenteng nangyari nitong Linggo sa loob ng Jack Hammer Resort.

Dakong 3:00 ng hapon nang hindi napansin ng mag-asawang Pionillo ang paglalaro ng anak sa gilid ng swimming pool hanggang sa natagpuan na lang nila ito na nakalubog na sa pool. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog