ROME (AFP) – Nabisto ng Italian police nitong Martes ang plano ng isang grupo ng mga kriminal na nakawin ang bangkay ng Formula One racing pioneer na si Enzo Ferrari para sa ransom.

Sinabi ng mga detective sa Sardinia na nadiskubre nila ang plano habang iniimbestigahan ang isang grupo ng 30 masasamang-loob na sangkot sa drug at arms trafficking sa isla ngunit naghahanap ng iba pang mapagkakakitaan.

Isa sa mga plano ay nakawin ang bangkay ng racing driver – na nagtatag ng Ferrari Grand Prix motor racing team at prancing horse brand – at humingi ng pera sa pamilya nito kapalit ng pagbabalik sa bangkay.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo