Sabay-sabay inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong katao habang nasagip ang dalawang bata mula sa sex trafficking operation sa Taguig City.

Kinilala ng NBI ang mga naarestong suspek na sina Danica Bucaling, Mary Ann Buan, at Jayvy Badeo.

Kumagat ang tatlo sa ikinasang entrapment operation ng NBI-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) sa isang hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City noong Marso 20.

Sa nasabing operasyon, nasagip ang anak na babae ng isa sa mga suspek at kanyang pinsan. Sila ay pito at 15 taong gulang.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa NBI, kinasuhan ang tatlong suspek ng paglabag sa Republic Act 7610, ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act; at R.A. 10175, ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI mula sa Immigrations and Customs Enforcement-US Homeland Security Investigations (ICE-USHSI) tungkol sa isang tao na nambubugaw ng mga menor de edad na Pinay.

Napag-alaman ng NBI na ibinibenta ang mga bata sa halagang $50 hanggang $60 at ito ay inihuhulog sa mga remittance center. (Jeffrey G. Damicog)