Binatikos ni Sen. Leila de Lima ang plano ng administrasyong Duterte na bakantehin ang lahat ng posisyon sa barangay.

Ayon kay De Lima, ang barangay, bilang isang basic political unit ng bansa, ang nagsisilbing frontliner sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo sa mamamayan.

“It offers direct and immediate assistance and support to the community. Barangay officials play a crucial role in providing effective and accountable local governance,” ayon sa senadora, na kasalukuyang nakapiit sa Philippine National Police (PNP) custodial center kaugnay ng kaso sa droga.

Una nang nagpahayag ng suporta si Pangulong Duterte sa pagpapaliban sa barangay elections sa dahilang maaari umanong gamitin ng mga drug lord ang kanilang limpak-limpak na salapi upang maimpluwensiyahan ang resulta ng eleksiyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi rin ng Pangulo na mas makabubuti kung magtatalaga na lamang ng mga barangay official upang matuldukan ang narcopolitics.

Ngunit, ipinagdiinan ni De Lima, chairperson ng Senate electoral reforms and people’s participation committee, na ang pagtatalaga ng mga barangay official ay hindi uubra sa barangay sa dahilang ito ay non-partisan government units.

“Appointing barangay officials, instead of electing them, goes against the principles of shielding them from partisan politics. That is one of the reasons why barangay elections are held separately from national and local elections,” dagdag ni De Lima. (Elena L. Aben)