Pinaiimbestigahan na rin ng Department of Education (DepEd), sa pamamagitan ng Schools Division Office of Manila, ang pagtagas ng mercury sa Manila Science High School (MSHS) kamakailan.

Sa direktiba ng DepEd, kabilang sa mga nais nitong matukoy ay kung paano nangyari ang mercury spill at kung bakit hindi ito kaagad naiulat sa mga kinauukulan.

Mahigpit din ang utos ng DepEd na i-monitor ang kondisyon ng mga mag-aaral, mga guro at mga empleyado ng paaralan, direkta man o hindi silang nalantad sa nakalalasong kemikal. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter