TALAVERA, Nueva Ecija - Bumulagta ang isang hindi pa nakikilalang carnapper makaraang makipagsagupaan sa mga pulis sa Barangay Maestrang Kikay sa Talavera, Nueva Ecija.

Batay sa ulat ni Supt. Leandro Novilla, hepe ng Talavera Police, ang hindi pa nakikilalang suspek ay nasa edad 30 pataas, nakasuot ng gray T-shirt at pantalong maong.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 6:00 ng gabi nitong Huwebes at nagpapatrulya ang mga pulis nang paharurutin umano ng suspek ang minamanehong tricycle nang akmang lalapitan siya ng mga awtoridad, bago pinaputukan pa umano ang mga ito, kaya gumanti ang mga pulis. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog