TARLAC CITY – Nakatuon pa rin ang operasyon ng mga awtoridad laban sa droga, at tatlong hinihinalang drug pusher ang naaresto ng mga operatiba ng Tarlac City Police sa Block 7, Barangay San Vicente, Tarlac City, nitong Biyernes ng gabi.

Pinangunahan naman ni Insp. Wilhelmino Aganon Alcantara ang buy-bust at nakuhang malambat sina Arjay Pacelo, 28, may asawa; Arween Ayson, 25, ng Bgy. San Vicente; at Mikko Hafes Gamal Eldin, 19, ng Bgy. Mapalacsiao, Tarlac City.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na transparent plastic sachet na may 0.150 at 6.458 gramo ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog