MOSCOW (AP) — Tatlong Russian athletes ang diskwalipikado rin sa 2012 Olympics matapos bumagsak sa doping retest, ayon sa Russian Track Federation.

Diskwalipikado sina hammer thrower Maria Bespalova at Gulfiya Khanafeeva, gayundin si triple jumper Viktoria Valyukevich. Pawang nabigo namang makapanalo ng medalya ang tatlo sa 2012 London Games.

Bunsod ng diskwalipikasyon nina Bespalova at Khanafeeva, lahat ng Russian women hammer thrower at nagposotibo sa ilegal na droga noong 2012. Nauna nang binawi kay Tatyana Lysenko ang gintong medalya nitong Oktubre.

Tumapos si Valyukevich, dating European indoor champion, sa ikawalong puwesto sa triple jump sa 2012 Olympics, mas maganda sa tinapos ng kababayan si Tatyana Lebedeva, binawiian ng dalawang medalya sa 2008 Beijing Games dahil sa droga.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumanggi ang Russian official na tukuyin ang klase ng naturang droga, habang wala pang pormal na pahayag ang International Olympic Committee (IOC) hingil sa isyu.

Ito ang ikatlong pagkakataon na sumablay si Khanafeeva, ang European championship silver noong 2005, sa doping test.

Mula nang isulong ng IOC ang retesting samples noong 2008 at 2012, may kabuuang 30 Russian athletes mula sa iba’t ibang sports ang nagpositibo sa droga.