Camille at Shaina copy

IKINATUWA nang husto ng fans nina Camille Prats at Shaina Magdayao ang litrato na magkasama silang dalawa dahil ang ibig sabihin nito, nabuksan na uli ang komunikasyon nila. 

Katunayan ang picture na okay na uli ang samahan ng dalawa na slight naapektuhan nang mag-break si Shaina at si John Prats na brother ni Camille.

Kuha ang picture nina Camille at Shaina sa Divine Angels Montessori, ang school ng pamilya Prats na naging location ng taping ni Shaina para sa The Better Half. Marami ang natuwa sa picture dahil positive naman talaga ang dating sa mga nakakakita.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Post ni Shaina: “Awwww! At last! Hindi lang tayo hanggang text at nagkita din tayo sa school mo!!! Super nice to see yo BUT bitiiin ang talkshow. Lookkk, its Teacher Camille with Camille OR puwede din namang si MARIE at si RINA pero nasan si ELLA?... #Marinella. I missed you and your kuwentos and I’m happy to see you happy, my glowing MimiCams.”

Positive ang comments ng followers ni Shaina sa picture at tiyak na lalong marami ang matutuwa kung makukunan din sila ng photo ni John. Mas maganda pa kung sama-sama sa picture sina Shaina, John, John’s wife Isabel Oli-Prats and their baby. Kailan kaya ito mangyayari? (Nitz Miralles)