volleyball copy

NAGPARAMDAM sina John Paul Bugaoan at Raymond Bautista sa net para pamunuan ang Far Eastern University sa 25-19, 25-22, 25-13 panalo kontra sa sibak ng University of the East kahapon sa UAAP Season 79 men’s volleyball tournament sa San Juan Arena.

Pinutol ng Tamaraws ang three-game losing skid at nakamit ang unang panalo sa second round na nag -angat sa kanila sa 6-5 karta.

Pinalakas din ng Tamaraws ang tsansa nilang makopo ang huling dalawang Final Four slots at makasama ng mga nauna ng umusad na Ateneo de Manila (10-0) at National University (9-1).

Nagtala sina Bugaoan at Bautista ng pinagsamang walong block sa kabuuang 12 na itinala ng Tamaraws.

Human-Interest

Bet magpatanggol! Isa pang lawyer ni FPRRD, gustong i-'Bring Him Home' ng netizens

Nagtapos si Bugaon na may 14 puntos bilang topscorer para sa FEU at sinundan siya ni Greg Dolor na may 12-puntos.

Dahil sa kabiguan, bumagsak ang Red Warriors sa 1-10 marka.

Namuno naman si Edward Camposano para sa Red Warriors sa itinalang siyam na puntos. (Marivic Awitan)