KALIBO, Aklan – Aminado ang opisyal ng grupo ng mga person with disability (PWD) sa Aklan na mahirap para sa mga may kapansanan at senior citizen ang pumunta sa isla ng Boracay sa bayan ng Malay, lalo na ngayong summer.

Ayon kay Provincial Board Member Jay Tejada, chairman ng committee on persons with disability, patuloy ang isinasagawang improvements sa Caticlan Jetty Port para makapag-enjoy ang mga PWD sa Boracay.

Partikular na nahihirapan ang mga PWD na sumakay ng bangka patungo at pabalik mula sa Boracay, at sinabi ni Tejada na matagal na umano itong pinag-uusapan sa mga national forum ng kanilang samahan. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog