MAGANDANG balita para sa mga estudyanteng atleta.

Layunin ng House committee on youth and sports development na maisulong ang kagalingan at kabutihan ng student athletes sa pagkakahirang ni Rep. Conrado Estrella III (Party-list, ABONO) kay Rep. Cristina “Chiqui” Roa-Puno (1st District, Antipolo City) bilang puno ng isang technical working group na mag-aayos sa House Bill 583 (Magna Carta of Student-Athletes), na ang layunin ay maisulong ang kabutihan ng student-athletes.

Ang panukala ay inakda ni Deputy Speaker at Taguig City-Pateros Rep. Pia Cayetano, na nagsabing siya at ang kanyang staff ang orihinal ng nag-draft ng “Magna Carta of Student- Athletes” nang siya ay miyembro pa ng Senado.

Ayon kay Cayetano, sisikapin ng Magna Carta na matugunan ang mga isyu at iba pang concerns na kinakaharap ng mga student-athletes, noon at ngayon, dahil walang umiiral na batas na nagsusulong at nangangalaga sa kanilang kagalingan at kabutihan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The intention of the bill is to raise awareness among all stakeholders in the educational institutions of what these students go through and what they bring to their schools in terms of honor and prestige. Yet, it must always be emphasized that they are students and not just athletes,” ani Cayetano. (Bert de Guzman)